Pacquiao-Mayweather rematch, imposibleng mangyari – Ellerbe

File photo from Getty Images

Hindi na interesado si Floyd Mayweather Jr. na bumalik sa boxing ring para makipagtuos muli kay Sen. Manny Pacquiao, ayon sa CEO ng Mayweather Productions na si Leonard Ellerbe.

Sa inilabas na artikulo ng boxingscene.com, sinabi nitong walang rematch na magaganap sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather kahit gaano pa kalaki ang halagang iaalok sa kanya.

“Floyd has no interest. He has zero interest. He’s been doing this all his life. And after a while, you get burned out. He’s given the sport everything,” tugon ni Ellerbe sa kabila ng pagdalo ni Mayweather sa sagupaan ni Pacquiao-Thurman.


Dagdag pa niya, masaya ang retiradong boksingero dahil madalas nitong makasama ang pamilya.

Nagagawa na din ni Mayweather ang mga bagay na hindi niya nararanasan noon.

“He’s living his best,” sambit ni Ellerbe.

“I just talked to him earlier today. We went over some business stuff. He’s traveling, spending time with his kids, spending time with his family. He’s doing all the things that he never got a chance to do because boxing has consumed his life ever since he was 5 years old.”

Pinaniniwalaang kumita ng mahigit $300 milyon si Mayweather nang manalo ito sa laban kontra kay Pacman noong Mayo 2015. Ang bakbakan ng dalawa ay itinuturing na pinakamahal na boxing match sa kasaysayan.

Kamakailan, inamin ni Freddie Roach na umaasa siyang mapapayag nila si Mayweather para sa inaasam na rematch.

“Hopefully we can get Mayweather to come to the table. I would like us to have one more crack at him,” pahayag ni Roach.

Gusto din niyang ipamalas ng Pambansang Kamao ang kakayahang talunin si Mayweather.

“We didn’t fight a great fight that night. Manny’s shoulder didn’t help at all. He’s had surgery since then, he’s 100 percent now. I would like us to fight Mayweather again because I didn’t like the way we performed.”

Facebook Comments