Pacquiao nagsagawa ng pagtitipon kasama ang mga bagong senador

467

Pinangunahan ni Senador Manny Pacquiao ang private dinner kasama ang mga bagong halal na senador nitong Sabado.

Ibinahagi ni Senador Ralph Recto ang kanilang group photo nina Pacquiao, Special Assistant to the President Bong Go, dating PNP Chief at BUCOR Director Bato dela Rosa, dating MMDA Chairman Francis Tolentino, Senador Koko Pimentel at Bong Revilla Jr.

Dumalo din sa pagtitipon sina Senate President Tito Sotto, Senate Majority Leader Migz Zubiri, PDP Laban Vice-Chairman Secretary Alfonso Cusi at Deputy Campaign Manager Rep. Dong Gonzales.

“1st dinner meeting with incoming senators, hosted by Senator Manny Pacquiao”, ang nakalagay sa caption ni Recto.

Makikita rin ang iba pang mga litrato sa Facebook page ni Senador Koko Pimentel kasama ang asawang si Kathryna-Yu Pimentel.

Sa partial and official results ng COMELEC, pasok pa din sa Magic 12 sina Go, Dela Rosa, Pimentel, Tolentino at Revilla. Hinihintay nalang ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato ngayong linggo.

Sa kasalukuyan, mahigit 158 certificates of canvass na ang tinally ng COMELEC.




Facebook Comments