Pacquiao, nagboluntaryong pondohan ang pagtatatag ng Philippine Boxing Commission

331

Nagboluntaryo si Senador Manny Pacquiao na pondohan ang Philippine Boxing Commission (PBC) sa harap ng limitasyon ng budget ng gobyerno dahil sa pandemya.

Sa interpellation period para sa Philippine Boxing Commission Bill, iminungkahi ni Senator Pia Cayetano na amyendhan na lamang ang regulatory powers ng Games and Amusement Board (GAB) para maiangat ang kapakanan ng mga boksingero sa halip na magtatag ng bagong opisina para sa boxing.


Pero tinutulan ito ni Pacquiao at iginiit na iba ang trabaho ng GAB sa Boxing Commission.

Sa ilalim kasi ng panukala, nais ni Pacquiao na mabigyan ng pensyon at health benefits ang mga boksingero at nasa combat sports.

Sabi naman ni Cayetano, magiging “unfair” ito para sa iba pang atleta.

Facebook Comments