Pacquiao-Pimentel faction ng PDP-Laban, hindi susuporta sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente

Hindi susuportahan ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban faction na pinangungunahan nina Senator Koko Pimentel at Senator Manny Pacquiao ang kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duderte sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ni Ronald Munsayac na siyang Executive Director ng PDP-Laban Pacquiao-Pimentel faction.

Diin ni Munsayac, para sa 99.9 percent ng kanilang mga miyembro ay hindi na kinakatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang values and principles ng kanilang partido.


Sabi ni Munsayac, sa tingin nila ay scripted ang pahayag nina Senator Bong Go at Davao City Mayor Sara Duterte na hindi sila tatakbo sa pagkapangulo.

Aniya, hindi sila ipinanganak kahapon at napanood na nila ang ganitong script noong 2016 elections.

Naniniwala si Munsayac na posibleng may mas malaking agenda sa likod ng mga pahayag nina Go at Mayor Sara.

Samantala, sinabi ni Munsayac na lumalakas ang suporta sa planong pagtakbo sa pagkapangulo ni Senator Pacquiao kaya sa tingin niya ay maliit ang tiyansa na piliin nito ang opsyon na magretiro na sa pulitika.

Facebook Comments