Pacquiao, Tinaga ang Sariling Kapatid!

1018

Cauayan City, Isabela- Muntik nang magpatayan ang magkapatid na Pacquiao dahil lamang sa simpleng girian sa Lungsod ng Cauayan.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang biktima na si Aljay Pacquiao, 27 anyos, negosyante, residente ng Coloma St, San Fermin, Cauayan City, Isabela habang ang suspek na kuya nito ay si Christopher Pacquiao, 36 anyos na residente rin ng nasabing barangay.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek lulan ang kanyang bisekleta upang humingi umano ng pagkain.

Nang pauwi na ang biktima ay nasagi umano ng kanyang bisekleta ang paa ng kanyang kuya na nagresulta sa kanilang mainit na pagtatalo.

Makalipas ang ilang sandali ay kumuha ng patalim ang suspek at itinaga sa balikat ng biktima.

Agad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa otoridad kaya’t naidala rin ito sa ospital.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at posibleng maharap sa kasong Frustrated Homicide.

Facebook Comments

From Advertisers