PACQUIAO VS KHAN | British boxer na si Amir Khan, umaasang matutuloy na ang laban nila ni Manny Pacquiao

Manila, Philippines – Umaasa ang British boxer na si Amir Khan na magiging daan ang kaniyang laban sa Setyembre para makaharap sa ring si Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Khan, pipilitin nilang matuloy ang paghaharap nila ni Pacquiao na una nang nakansela noong 2017 dahil sa problema sa pera.

Ang laban ni Khan kontra kay Canadian-Colombian Samuel Vargas sa Setyembre ay ang final eliminator para sa WBA title belt na paglalaban naman nina Pacquiao at Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Malaysia.


Facebook Comments