
Isa si Zambales 1st District Representative Jay Khonghun sa labis na humanga sa walang kupas na husay sa boksing ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na napatunayan sa katatapos nitong laban kay Mario Barrios.
Diin ni Khonghun, bagama’t nagtapos sa draw ang laban nina Pacquiao at Barrios, ay malinaw na ipinakita ni Pacquiao ang kanyang walang kapantay na karanasan, bilis, at tibay sa ibabaw ng ring.
Ayon kay Khonghun, maraming tagahanga at eksperto ang naniniwalang si Pacquiao ang nakalamang sa laban, batay sa dami at kalidad ng kanyang mga pinakawalang suntok.
Diin ni Khonghun, ang ipinakita ni Pacquiao na tapang at disiplina ay tunay na nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino at sa buong mundo, lalo na sa bawat kabataang nangangarap magtagumpay sa kabila ng mga hamon.









