PADATING NA | 400 OFWs galing Kuwait, balik ‘Pinas ngayong araw

Manila, Philippines – Dadating sa bansa ngayong araw ang 400 Overseas Filipino Workers galing Kuwait.

Sakay ang nasa 260 OFWs ng PAL Flight PR669 at nakatakdang lumapag sa Naia Terminal 1 bago mag alas-siete ngayong umaga.

Habang ang pangalawang batch ng mga OFWs na umaabot sa 140 ay dadating sa bansa mamayang alas dies ng umaga kung saan sakay naman ang mga ito ng flight GF154 at nakatakda ding lumapag sa Naia terminal 1


Sasalubungin ang mga uuwing OFWs nila Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac at OWWA Deputy Admin Arnel Ignacio.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nyang pabalikin ang lahat ng OFW na nagttrabaho sa Kuwait sa loob ng 72 oras.

Ito ay makaraang matuklasan ang isang bangkay ng OFW na nakasilid sa freezer sa Kuwait at ang iba’t-iba pang pag-abuso doon.

Facebook Comments