PADDEREM-MU FESTIVAL, IDINARAOS SA BRGY. TAGARAN

CAUAYAN CITY- Ipinagdiriwang ngayon ang Padderem-mu festival ng Brgy. Tagaran sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Benjie Balauag, tampok sa kanilang aktibidad ang iba’t-ibang aktibidad katulad ng Ginang Tagaran, Mutya ng Tagaran, at Sing Idol.

Aniya, dalawang Linggo lamang ang kanilang preparasyon para sa kanilang kapistahan kabilang rito ang paghahanda sa mga kalahok at mga gagamiting venue para sa selebrasyon.


Dagdag pa niya, upang masiguro na mapayapa at tahimik ang kanilang kapistahan ay katuwang nila sa pagbabantay ang kapulisan ng Cauayan.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments