PADDEREM-MU FESTIVAL NG TAGARAN, PINAGHAHANDAAN NA

CAUAYAN CITY- Bagama’t higit dalawang buwan pa bago ang kapistahan ng Brgy. Tagaran ay nagsimula na silang maghanda para rito.

Sa panayam ng IFM News Team kay Kagawad Daniel Acob, kabilang sa paghahandang isinasagawa nila ay ang pagsasaayos sa mga lugar na gagamitin para sa mga aktibidad at programa.

Aniya, ang pista ngayong taon ay kakaiba sa mga nakaraang pista dahil tatlong araw nila itong ipagdiriwang.


Dagdag pa nito, maraming aktibidad ang dapat na abangan ng mga residente ng Tagaran at mga bisitang makikipista sa kanilang barangay.

Samantala, gaganapin ang Padderem-mu festival sa ika-19 hanggang ika-21 ng Agosto.

Facebook Comments