Padre de pamilya, lubos na nagluluksa matapos matabunan ang kanyang asawa’t anak kasabay ng lindol

262

Nagluluksa si ginoong Dela Cruz matapos matabunan ng gumuhong gusali ang kanyang pamilya kasabay ng  magnitude 6.1 na lindol kahapon.

Sa Porac, Pampanga, gumuho ang Chuzon Supermarket kung saan madaming empleyado at costumer ang natabunan.

Ayon kay PDRRMO Chief Angie Blanco, 11 na ang kanilang nahukay. Pito sa kanila ay buhay habang apat naman  ang  patay.

Kabilang sa namatay ang pamilya Dela Cruz na may edad 1 taon na babae, 7 taong lalaki at ang kanilang nanay na si Manilyn Dela Cruz.

Sa inisyal na impormasyon mamimili sana sa supermarket ang pamilya ng mangyari ang malakas na lindol.

Unang pumasok sa building ang asawa at anak habang nagpaparada si ginoong Dela Cruz ng kanyang motorsiklo.

Halos madurog ang puso ni ginoong Dela Cruz nang makitang gumuguho ang gusali at nasa loob nito ang kanyang pamilya.

Samantala, patuloy ang isinasagawang retrival at rescue operation lalo at sa mga oras na ito ay may nakakausap pa silang buhay na nasa ilalim ng gumuhong gusali.

Facebook Comments