Padre de pamilya na si Dexter Carlos, inabswelto ng PNP sa kaso!

Bulacan – Nilinis ng Bulacan PNP ang pangalan ni Dexter Carlos sa kaso ng Bulacan massacre.

Si Dexter Carlos ang padre de pamilya ng mag-iinang pinatay sa san Jose del monte noong June 28.

Ito’y matapos ngang magpositibo ang suspek na si Carmelino “milling” ibañes sa panggagahasa sa asawa ni Carlos na si Estrella at pagpatay sa iba pang biktima.


Ayon kay San Jose del monte police c/ supt. Fitz Macariola – parte lang ng kanilang standard operating procedure ang pag-iimbestiga kay Carlos.

Tuloy naman ang gagawing imbestigasyon ng PNP sa mga kaso ng pagpatay sa tatlong persons of interest sa masaker.
Itinuturing namang kaso ng missing person ang sinasabing pagdukot sa isa pang isinasangkot sa krimen na si Alvin Mabesa.

Facebook Comments