Padre de pamilya ng biktima ng Bulacan Massacre, hindi naniniwalang iisa lang ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa kanayang pamilya

217

Bulacan – Hindi naniniwala ang padre de pamilya ng mga biktima ng masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan na posibleng isa lang ang suspek sa pagpatay sa kaniyang pamilya.

Ayon kay Carlos – posibleng nasabihan lang ang suspek na si Carmelino Ibañes na siya na lang ang umako sa krimen at maaring mayroon itong pinoprotektahan na ibang kasamahan.

Naniniwala si Carlos na hindi lang isang tao ang gumawa ng krimen, batay na rin sa sinapit ng kanyang pamilya.


Una nang sinabi ni Carlos na maraming concerned citizen ang nagbigay sa kaniya ng impormasyon na lima ang pumasok sa kanilang tahanan, pero natakot ang mga ito na tumestigo.

Facebook Comments