Manila, Philippines – Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang padre de pamilya ng mag-iinang minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon sa NBI Bulacan District Office, mahalagang malaman ang background ni Dexter Carlos para mas mabigyang-linaw ang kaso.
Samantala, ayon kay Bulacan Provincial Director Chief Sr/ Supt. Romeo Caramat – kinuhanan na nila ng fingerprints ang tatlong persons of interest gayundin ang suspek na si Carmelino Ibañes.
Sakali aniyang magtugma ito sa mga ebidensyang nakuha sa crime scene, ituturing nang sarado ang kaso.
Ilalabas ang resulta ng DNA test sa Huwebes.
Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang Bulacan Provincial Police Office para imbestigahan ang pagpatay sa tatlong persons of inerest sa bulacan massacre case.
Naniniwala si Caramat na ilang may gustong ipaghiganti ang mga biktima ang nasa likod ng pagpatay kina alyas Tony, Ponga at Inggo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558