Ilan lamang ito sa mga eksenang nasaksihan kahapon sa muling pag-arangkada ng Padunungan 2026, na inorganisa ng UP Subol Society – Baguio Chapter.
Tuwang-tuwa ang mga estudyante, partikular ang mga Junior High School students ng Mapandan National High School, matapos nilang masungkit ang kampeonato sa Quiz Bee – JHS Category.
Ayon sa kanila, sa kabila ng ilang araw lamang na preparasyon, hindi nila inakalang makakamit nila ang naturang parangal.
Samantala, ibinahagi rin ng mga kalahok mula sa The Great Plebeian College ang kanilang mga isinagawang paghahanda para sa taunang tagisan ng talino at galing.
Ayon kay Padunungan 2026 Project Head Fritz Pasaoa, layunin ng programa na palalimin ang kaalaman ng mga kabataan sa wika at kultura, gayundin ang pagpapalawak ng kanilang kamalayan sa intelektwal na pag-unlad.
Samantala, sinabi naman ni UP Subol Society President Ruvic Honrado na ang Padunungan ay isa nang tradisyon ng kanilang organisasyon bilang ambag sa pagpapaunlad ng edukasyon ng mga estudyante sa Pangasinan.
Iba’t ibang kategorya ang pinaglabanan ng mga kalahok kung saan naipamalas ang kahalagahan ng kamalayan sa kultura, kasaysayan, at yaman ng lalawigan ng Pangasinan.










