Padyak para sa Mapayapang Halalan 2019, Isinagawa ng Isabela PPO

*Ilagan City, Isabela- *Nagsagawa ng fun bike ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pangunguna ni Provincial Director, PSSUPT Mariano Rodriguez na layong magkaroon ng magandang samahan ang publiko at kapulisan para sa kapayaan, katahimikan at malinis na Halalan sa May 13, 2019 midterm elections.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa IPPO, nagsimula ang fun bike bandang alas sais ng umaga, Marso 16, 2019 na sinalihan ng higit kumulang 150 bikers mula sa hanay ng PNP, AFP at iba’t-ibang grupo ng siklista at pribadong indibidwal.

Tinahak ng mga ito ang 22 kilometrong ruta mula sa IPPO patungong Brgy. Fugu paikot sa Brgy. Namnama, palabas sa Natl highway ng Brgy Alibagu at sa tapat ng Bonifacio Park bilang finish line.


Binigyan naman ng medalya, cash price at Certificate ang tatlong naunang bikers habang kinilala naman ng IPPO ang pinaka matanda at pinakabatang kalahok.

Nabigyan rin ng premyo ang mga finishers na nakakuha ng special na numero.

Bukod pa rito, nagkaroon ng raffle draw kung saan isang yunit ng Rusi Motorsiklo at iba’t ibang bike accessories ang ibibigay para sa mga maswerteng mabubunot.

Facebook Comments