Napanatili ng Bagyong Paeng ang lakas nito habang patuloy na kumikilos papalabas ng bansa.
Sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 295 kilometro silangan ng Iba, Zambales.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na nasa 105 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong paeng pa-kanluran, timog kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa mga sumusunod na lugar:
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands,
Isabela,
Quirino,
Nueva Vizcaya,
Apayao,
Abra,
Kalinga,
Mountain Province,
Ifugao,
Benguet,
Ilocos Norte,
Ilocos Sur,
La Union,
Pangasinan,
Aurora,
Bulacan,
Nueva Ecija,
Tarlac,
Pampanga,
Bataan,
Zambales,
Metro Manila,
Western at central portions ng Batangas
Cavite,
Laguna,
Rizal
Northwestern portion ng Oriental Mindoro
Northwestern portion ng Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Islands,
At northern portion ng lalawigan ng Quezon.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Paeng bukas ng umaga o tanghali pero bago nito ay muling lalakas mamayang gabi at posible pang umabot sa isang typhoon category.