PAF aircrafts, grounded kasunod ng chopper crash sa Bukidnon

Grounded muna ang lahat ng aircraft ng Philippine Air Force (PAF) para isailalim sa inspeksyon.

Kasunod ito ng insidente ng pagbagsak ng isang chopper ng PAF sa Barangay Bulunay, Impasugong, Bukidnon kahapon kung saan nasawi ang pitong sakay nito na kinabibilangan ng dalawang piloto, dalawang crew, isang sundalo at dalawang Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) militiamen.

Sinasabing nakaranas ng “engine trouble” ang UH-1H helicopter kaya ito bumagsak.


Pero ayon kay PAF spokesperson Lieutenant Colonel Aristides Galang, sa ngayon ay hindi pa malinaw ang totoong dahilan ng insidente.

Bagama’t hindi bago ang bumagsak na helicopter, nilinaw ni Galang na ‘well-maintained’ ito.

Facebook Comments