Ipinagluluksa ng Philippine Air Force (PAF) ang pagpanaw ni Brig. General Maxima “Emma” Oximoso Ignacio (Ret), ang kanilang unang babaeng piloto at heneral.
Si BGen. Ignacio ay miyembro ng Officer Candidate School 1990, at sumali sa PAF bilang isa sa mga unang babaeng aviation student.
Matapos makamit ang kanyang “wings” noong 1993, siya ang naging unang babaeng piloto ng 220th Airlift Wing na nagpapalipad ng F-27 Fokker Aircraft.
Siya ay pinarangalan ng Metrobank Foundation, Inc. and Rotary Club of Makati Metro bilang isa sa “The Outstanding Philippine Soldiers” noong 2015.
Bago nagretiro sa serbisyo noong Abril ng taong ito, hinawakan ni BGen. Ignacio ang posisyon ng Adjutant General, Armed Forces of the Philippines (AFP).
Siya ay punanaw sa edad na 54.