PAF, kinompirma ang paglapag ng US “doomsday plane” sa NAIA

Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na lumapag ang E-4B “Nightwatch” Aircraft ng United States Air Force sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon.

Tinawag din ang nasabing aircraft na “Doomsday Plane” dahil sa kakayahan nitong makaligtas sa mga nuclear attack.

Sa pahayag ng PAF, nanatili ang nasabing aircraft magdamag sa paliparan para sa refueling at crew rest.

Dagdag pa ng ahensya, na may diplomatic clearance ang nasabing aircraft pero wala itong kaugnayang VIP visit sa Pilipinas .

Umalis ng bansa ang eroplano pasado alas-11 kaninang umaga.

Facebook Comments