
Nagsagawa ang Philippine Air Force (PAF) ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) missions sa probinsya ng Iloilo at Capiz.
Matatandaan ang naging pananalasa ng Bagyong Ramil sa hilagang mga parte ng rehiyon.
Sa koordinasyon ng ahensya sa Office of Civil Defense (OCD) Region VI , sa pamamahala ni Undersecretary Harold Cabreros at Civil Defense Administrator and Regional Director Raul Fernandez, nagsagawa ang mga ito ng aerial survey gamit ang dalawang S-70i Black Hawk Helicopters ng PAF.
Layon ng nasabing inspeksyon na ma-assess ang laki ng pagbabaha at mga nasira sa nasabing lugar.
Kasabay nito ay nagsagawa rin ng brief stop ang ahensya para naman magpamahagi ng mga hygiene kit para sa mga residenteng pansamantalang namamalagi sa mga shelters na pinrovide ng pamahalaan.









