
Patuloy ang Philippine Air Force (PAF) sa kanilang misyon matapos maghatid ng tulong sa mga komunidad na nasalanta ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
Gamit ang S-70i Black Hawk helicopter, nakapaghatid ang Tactical Operations Group (TOG) 8 ng kabuuang 660 na hygiene kits at 25 na sako ng bigas sa mga lalawigan ng Biliran at Northern Samar upang agad na makarating ang tulong sa mga pinakaapektadong residente.
Bukod dito, nagsagawa rin ang TOG 8 ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa paligid ng Northern Samar at Eastern Samar upang matukoy ang lawak ng pinsala at pangangailangan ng mga naapektuhan.
Ipinapakita dito ang mahalagang papel ng PAF sa pagbibigay ng agarang tulong at kritikal na impormasyon para sa mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad.









