PAF, tuloy-tuloy ang pag-dadala ng mga relief items sa Mindanao para sa mga naapektuhan ng lindol

Hindi tumitigil ang mga tauhan ng Philippine Air Force sa pagdadala ng mga relief items sa mga naapektuhan ng magkakakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Major Aristedes Galang gamit ang C130 Cargo Plane umaabot na sa 22, 560 pounds na mga cargo na kinabibilangan ng ilang kahon ng iba ibang medical supplies, 32 piraso ng tents, kumot at 200 folding beds ang naitransport na nila sa Mindanao.

Ang byahe ng c130 cargo plane mula sa villamorVairbase sa Pasay, City patungo sa Davao at Cotabato.


Bukod sa pag-gamit ng c130 plane para sa relief operation, ginagamit na rin ng Philippine Air Force ang kanilang dalawang helikopter na bell 412 cuh ng 205th tactical helicopter wing at super huey 11 helikopter ng 505th search and rescue group’s.

Sa ngayon naka full alert na rin ang buong hanay ng Philippine Air Force para matutukan ang relief operations.

Facebook Comments