Thursday, April 9, 2026

PAF, US Pacific Air Forces nagsagawa ng joint flight operation para sa Cope Thunder sa Pampanga

Nagsagawa ng joint flight operation ang Philippine Air Force (PAF) at United States Pacific Air Forces (PACAF) bilang bahagi ng Cope Thunder Philippines 26-1 sa Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga.

Tampok sa aktibidad ang FA-50PH Fighting Eagle at F-22 Raptor fighter jets.

Layunin ng operasyon na palakasin ang koordinasyon at operational synergy ng dalawang magkaalyadong air forces.

Ayon sa PAF, patunay ito ng matibay na alyansa at pinalakas na interoperability upang mapanatili ang kapayapaan, katatagan, at seguridad sa Indo-Pacific region.

Facebook Comments