PAG-AABISO SA DAGUPEÑOS UKOL SANARARANASANG INIT NA PANAHON, PINAG-IIGTING NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Pinag-iigting pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pag-aabiso sa mga nasasakupan nito ukol sa matinding init na nararanasan, lalo na ngayong araw ng Biyernes, May 12.
Bunsod ito ng sunod-sunod na pagkakatala ng matataas ng heat index sa Dagupan City na naglalaro mula 42 hanggang 44 degree Celsius.
Kasabay nito ang pagkatalaga ng El Niño Task Force sa Dagupan na umpisa nang naglalabas ng information dissemination kaugnay sa ilang paalala at paghahanda para sa El Niño na maaaring magtatagal hanggang sa Buwan ng Agosto at sa susunod pang taon.
Alinsunod dito, muling pinapayuhan ang lahat na uminom ng maraming tubig nang maiwasan ang dehydration na talamak ngayong dry season. Pagdala ng panangga sa init tulad ng payong, sunglasses at sumbrero at iba pa.
Ibinahagi rin ang mga hotlines kung may maranasan o napabalitang emergency sa City Health Office: 0933-861-6088, 0997-840-1377, CDRRMO: 0968-444-958, 540-0363 na maaaring tawagan ng kung sinumang may kailangan ng tulong.
Facebook Comments