MANILA – Sa gitna ng milyun-milyong Pilipino na nagugutom at milyon pisong halaga ng pagkain ang naaaksaya taun-taon, naghain si Sen. Francis “Chiz” Escudero ng panukalang-batas para tuldukan ang nakagawiang pagtatapon ng mga sobrang pagkain na dapat sana ay napakikinabangan ng mga nagugutom.Layon ng Senate Bill No. 3225 na inihain ni Escudero na pagbawalan ang mga supermarket, restawran, at iba pang katulad na negosyo na itapon ang sobra at hindi nabentang pagkain at sa halip ay ibigay na lang ang mga ito sa kawanggawa.Sa ilalim ng panukala, ang lalabag ay maaaring pagmultahin ng P1 milyon hanggang P5 milyon piso o depende sa halaga ng mga inaksayang pagkain, at kung ilang beses ito nangyari.Tinukoy din ni Escudero ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations noong ikaapat na yugto ng taong 2015, ay umabot sa 2.6 milyong pamilya sa Pilipinas ang nakararanas ng matinding gutom.Basehan din ng panukala ni Escudero, ayon sa datos ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology, na may 3.29 kilo ng bigas ang karaniwang naaaksaya ng bawat isang Pilipino kada taon.Aabot ito sa 296,869 metriko tonelada ng bigas na katumbas ng 12.2 porsyento ng taunang inaangkat na bigas ng bansa sa isang taon na nagkakahalaga ng p7.3 bilyon.
Pag-Aaksaya Ng Pagkain, Isinulong Ng Isang Senador Na Gawing Krimen
Facebook Comments