Rumesbak ang Malacañang kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario matapos akusahan si Pangulong Rodrigo duterte na pinapanigan ang China sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pinabayaan lamang ni Del Rosario na ibigay sa China ang Panatag Shoal nang paalis ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) noong 2012 standoff.
Dagdag pa ni Roque na itigil na sana ni Del Rosario ang “pagtuturo” o “finger-pointing”
Matatandang sinabi ni Del Rosario na isang “national tragedy” ang pagturing ni Pangulong Duterte sa 2016 arbitral ruling bilang isang kapirasong papel.
Facebook Comments