Napansin ng World Health Organization (WHO) na nababawasan na ang vaccine hesitancy o pag-aalangan ng mga tao sa bakuna kasabay ng pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, dumaraming bilang ng populasyon na ang gustong magpabakuna.
Nakikita nila ang trend nang dumating ang AstraZeneca vaccines sa bansa.
Sinabi ni Abeyasinghe na dapat itong maipagpatuloy para matiyak na malaking bahagi ng populasyon ang maprotektahan mula sa sakit.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nasa 44,000 Pilipino ang nabakunahan na laban sa COVID-19 gamit ang Sinovac vaccines ng China at AstraZeneca mula sa COVAX Facility.
Facebook Comments