Pag-aalburuto ng Bulkang Taal, maliit lamang ang epekto sa ekonomiya ng Calabarzon – NEDA

Sinisimulan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbuo ng rehabilitation framework na maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng pagputok ng bulkang taal.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia – maliit lamang ang nakikitang nilang epekto sa ekonomiya ng Calabarzon ang Taal eruption.

Base sa preliminary assessment ng NEDA, nasa 0.17% o katumbas ng 4.7 billion pesos ang lugi o mawawala sa gross regional domestic product ng rehiyon.


Ikinukonsidera rito ang epekto sa agrikultura, industriya at serbisyo ng mga bayan na sakop ng 14-kilometer danger zone.

Nasa 0.26% o 6.6 billion pesos ang lugi o mawawala kung idadagdag ang mga bayan na nasa loob ng 17-kilometer radius.

Pero sinabi ni Pernia na mas maliit pa rin ito kumpara 7.36 billion pesos.

Sinabi ni Pernia na pwede pa rin magbago ang mga datos sakaling magkaroon ng major eruption.

Hindi pa kasama sa nasabing tantya ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.

Tiniyak ng NEDA na maaabot ng Pilipinas ang poverty deduction na 14%.

Facebook Comments