Pag-aalis ng mga sandbar sa 19 na priority sites sa Cagayan River, inaprubahan na ng DENR

Ibinigay na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang basbas ng pagsasagawa ng dredging ng mga sandbar sa 19 na mga prayoridad na lugar sa kahabaan ng Cagayan River.

Ito’y bilang bahagi ng agarang solusyon na gagawin upang maiwasang maulit ang mga pagbaha sa Cagayan Valley tulad ng nangyari noong manalasa ang Bagyong Ulysses.

Sinabi ni Cimatu na ang dredging ng mga sandbars ay immediate solution lamang.


Kabilang sa medium and long-term solutions na tinitingnan ng DENR sa Cagayan River ay ang paggawa ng flood control dams, paglalagay ng revetment structures sa kanyang dalisdis at reforestation sa watershed at easement areas.

Sa 19 sandbars na inirekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang mga priority site para sa dredging, apat ang nasa bayan ng Alcala at tig-dalawa sa Tuguegarao City at mga bayan ng Enrile, Solana, Gattaran, Iguig, at Amulung.

Tig-isang sandbar naman sa mga munisipalidad ng Aparri, Lallo, at Sto. Niño.

Facebook Comments