Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na alisin ang printed modules sa blended learning ng mga estudyante sa gitna ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ikinukonsidera nilang gamitin muna ang mga istasyon ng radyo at telebisyon sa pagpapa-abot ng mga aralin ng mga bata.
Nabatid na masyado kasi aniyang magastos ang pag-print ng module lalo’t kailangang mag-imprenta muli dahil sa pagkasira dulot ng mga nagdaang bagyo.
Maliban sa radyo at telebisyon, pinag-aaralan din ang paggamit ng two-way radio gaya ng ginagawa sa Apayao.
Facebook Comments