Hindi gaanong ipinag-aalala ng OCTA Research Group ang desisyon ng gobyerno na alisin na ang inbound travel ban sa sampung bansa kabilang ang India at Pakistan simula bukas.
Katunayan, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, baka sila pa ang matakot pumunta sa Pilipinas dahil mas malala na ang sitwasyon dito kumpara sa kanilang bansa.
Nabatid na isa na ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Asya.
Gayunman, nilinaw ni David na hindi ito nangangahulugan na magluluwag din ang gobyerno sa pagbabantay sa mga inbound travelers.
Matatandaang nagpatupad ng travel restriction sa India at siyam pang mga bansa ang Pilipinas dahil sab anta ng mas nakakahawang Delta variant.
Facebook Comments