Pag-aalis ng YouTube sa fake news content kaugnay sa pagbabakuna, welcome sa Vaccine Expert Panel

Welcome para sa Vaccine Expert Panel (VEP) member na si Rontgene Solante ang ginawang hakbang ng YouTube na pag-aalis ng lahat ng content na naglalaman ng pekeng impormasyon kaugnay sa bakuna.

Ayon kay Solante, daan ang hakbang upang makumbinse ang maraming Pilipino na magpabakuna na kontra COVID-19.

Inaasahang malaki naman ang magiging impact nito lalo na sa social media dahil tanging tamang impormasyon lamang ang maikakalat.


Nabatid na sa isyu sa fake news, unang kumalat noon ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia at nagdulot ng malaking impact sa social media na ginagamit ng Department of Health (DOH) sa kanilang dengue prevention campaign noong 2016

Facebook Comments