Pag-aamok ng isang pulis sa loob ng MPD Headquarters, inimbestigahan na rin ng PNP IAS

May imbestigasyon na rin na ginagawa ang PNP Internal Affairs Service (IAS) kaunay sa pag-aamok ng isang pulis sa loob mismo ng Manila Police District Headquarters (MPD) nang nakaraang linggo kung saan dalawang pulis ang nasawi kabilang na ang namaril na pulis.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, lahat ng mga alegasyon kaya nangyari ang insidente ay tinututukan ng IAS, nang sa ganoon ay matukoy ang puno’t dulo ng insidente na nagresulta sa walang habas na pamamaril.

Kabilang sa iniimbestigahan ay ang reklamo laban sa mismong MPD Director na si BGen. Leo Francisco na umano’y pinagalitan ang suspek na pulis dahil sa hindi umano pag-remit ng kotong money, kaya nag-amok ang pulis sa mismong opisina ng district director.


Tiwala si PNP Chief sa isinasagawang imbestigasyon ng IAS at kung mapatunayang may pananagutan ang mismong district director ay mananagot ito.

Tiniyak ni Eleazar na anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon ay kanila itong ipatutupad.

Facebook Comments