Pag-aangkat at paggamit ng Covaxin, aprubado na ng FDA

Pinapayagan nang makapag-angkat at gamitin sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Bharat Biotech ng India.

Ito ay ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo dahil ginawaran na ng full Emergency Use Authorization (EUA) ang Covaxin.

Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Usec. Domingo na bagama’t nabigyan na ng EUA ang Bharat Biotect noon, mayroon pa silang ilang dokumento o sertipikasyon na hindi pa naisumite sa bansa, dahilan kung bakit hindi pa ganap ang EUA na ipinagkaloob sa kanila.


Gayunpaman, naisumite na ng mga ito ang sertipikasyon noong nakaraang linggo kaya’t maaari nang gamitin dito sa Pilipinas ang kanilang bakuna.

Facebook Comments