Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na may nagbabadyang kakapusan ng suplay ng isda sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ayon kay BFAR Chief Information Office Nazario Briguera, bagama’t sobra ang mga huling isda nitong second quarter ay posibleng kulangin naman ng 90,000 metric tons ang suplay ng isda sa ikatlong quarter habang 85,000 mt sa huling quarter ng 2022.
Paliwanag ni Briguera, ito ay resulta ng masamang panahon at mahal na presyo ng krudo na nakakaapekto sa hanapbuhay ng mga mangingisda.
Kasabay nito, dinepensahan din ni Briguera ang planong pag-aangkat ng bansa ng 38,000 metriko tonelada ng galunggong sa China o Vietnam.
Aniya, hindi naman kasi talaga naipatupad nang buo ang ini-isyu noon na Certificate of Necessity to Import ng Department of Agriculture.
Samantala, inaasahang darating sa bansa ang mga inangkat na isda sa ikalawang quarter ng Hulyo.