Tuloy pa rin ang pag-aangkat ng asukal sa bansa sa gitna ng bantang kakulangan ng suplay nito sa Agosto.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Usec. Kristine Evangelista, manipis na ang supply ng asukal sa bansa batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), kung kaya’t inirerekomenda ng mga opisyal ng SRA ang agarang pag-iimport nito.
Dagdag pa ni Evangelista na makikinabang naman aniya dito ang mga consumer lalo na kung para sa household consumption dahil wala nakikitang asukal ang DA base sa datos ng SRA.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa P90 ang retail cost ng refined sugar, habang ang brown sugar at wash sugar ay parehong nagkakahalaga ng P70.
Facebook Comments