Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi pwedeng basta-basta ang pagpapahinto ng Rice Importation.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinahihinto niya ang pag-aangkat ng bigas, bagay na kinontra ng Malacañang.
Ayon kay Agriculture Spokesperson, Asec. Noel Reyes, kailangan munang amiyendahan ang Rice Tariffication Law o magkaroon ng pormal na direktiba mula sa Pangulo.
Aniya, ang nais siguro ng Pangulo ay bawasan ang Rice Imports tuwing Harvest Season.
Ang Farmgate Price ng fresh palay ay nasa 12 hanggang 13 Pesos kada Kilo, habang ang dried palay ay nasa 16 Pesos.
Ang buying price naman ng National Food Authority (NFA) ay nasa 16 Pesos kada Kilo kapag fresh palay at 19 Pesos naman kapag dried palay.
Facebook Comments