Pinalawig ng Department of Agriculture (DA) ang validity ng Certificate of Necessity to Import (CNI) para makapag-import ng mahigit 38,000 toneleda ng isda.
Ito’y upang matugunan ang kakulangan ng supply nito sa bansa.
Batay sa ulat na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), aabot sa 90,000 tonelada ang magiging kakulangan ng supply ng isda ngayong taon.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, kabilang sa mga dahilan ng pagbaba ng supply ng isda sa bansa ay ang pagtaas ng presyo ng produkto petrolyo na nakaapekto sa pangingisda at ang close fishing season sa Davao.
Siniguro naman ng kalihim na nanatiling prayoridad ng DA na lumaki ang produksyon ng mga mangingisda upang hindi umasa sa pag-aangkat mula sa ibang bansa.
Facebook Comments