Pag-aangkat ng mas maraming prutas mula sa South Korea, target ng pamahalaan

Tinitignan ng pamahalaan ang posibilidad na magluwas ng mas marami pang prutas mula sa South Korea.

Ito ay ang napag-usapan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ng Chairman ng Maegyeong media group na si Jang Dae Hwan.

Ayon sa pangulo, target nilang palawakin pa ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa tulad ng refrigeration transportation at global delivery networks.


Sinabi naman ni Jang na popular sa kanilang bansa ang saging at mangga.

Mahalaga aniyang alam ng pangulo ang agricultural productivity at food processing ng Pilipinas dahil direkta itong may koneksyon sa pagtiyak sa food security.

Facebook Comments