Pag-aangkat ng recyclable material, lalagyan ng moratorium ng DENR

Maglalagay ang Dept. Of Environment and Natural Resources (DENR) ng moratorium sa pag-aangkat ng recycable material.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, hindi na nila hahayaang na gawing tambakan ng basura ang bansa.

Sa bisa ng Moratorium, pansamantalang ipagbabawal ang pagpasok ng mga plastik at metal scrap sa Pilipinas.


Sakop din ng Moratorium ang mga processed engineered fuel o uri ng mga basurang ginagamit para makakuha ng mataas na temperatura sa paggawa ng semento.

Samantala, nagpadala na ng sulat ang HongKong para kuhain ang kanilang mga basura na pawang mga misdeclared at iniwang Abandonado sa Mindanao Container Port ng consignee nito.

Sasampahan ng DENR ang importer ng basura.

Facebook Comments