Sisimulan na bukas ng Kamara ang imbestigasyon kaugnay sa kautusan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng asukal.
Sa abisong inilabas, bukas ng ala-1:30 ng hapon ang isasagawang pagsisiyasat ng House Committee on Agriculture and Food kung saan imbitado ang SRA at iba ang stakeholders.
Partikular na pag-uusapan dito ang epekto sa lokal na industriya ng tubo at asukal ng inilabas na kautusan.
Inaprubahan ng SRA ang importasyon ng 200,000 metriko toneladang refined sugar, upang matugunan umano ang “shortfall” o kakapusan sa asukal matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette, at ma-stabilize ang presyuhan ng asukal sa merkado.
Gayunman, ito ay inalmahan ng mga sugar producer at magsasaka na nagsabing hindi napapanahon at hindi tama ang kautusan ng SRA, lalo’t harvest season na ng tubo sa bansa.