Itinuturing ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na fake news of the century ang pag-aangkin ng China sa halos buong South China Sea.
Ayon kay Carpio, isang malaking kalokohan ito sa buong sangkatauhan.
Pinuna rin ni Carpio ang tila pag-“spoon-fed” ng China ng historical narrative sa mga kababayan nito.
Giit ng mahistrado kailangang itama ang mga sinasabi at itinuturo ng China sa mga kanilang mamamayan.
Kailangang makubinsi ang Chinese people na maling impormasyon ang ipinapasok ng China sa kanilang isipan tungkol sa kanilang teritoryo sa South China Sea.
Naniniwala si Carpio na sa pamamagitan ng multi-sectoral efforts ay matuturuan ng tama ang mga mamamayang Tsino para tanggapin na ang South China Sea ay hindi pagmamay-ari ng China 2,000 taon na ang nakararaan.