Pag-aapply sa tax amnesty program, pinalawig pa ng BIR hanggang June 2021

Pinalawig pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-aapply sa tax amnesty program sa ilalim ng Voluntary Assessment and Payment Program (VAPP).

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, alinsunod ito sa Revenue Regulations (RR) No. 32-2020 kung saan pinalawig pa hanggang June 30, 2021 ang pag-aapply mula sa dating Dec. 31, 2020 na deadline.

Layon nito mabigyang-panahon pa ang kanilang mga miyembro na makapag-aapply sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.


Facebook Comments