Pag-aaral hinggil sa paggamit ng Sinovac sa mga bata, aabutin pa ng 2 linggo

Dalawang linggo pa ang hihintayin bago makapagsumite ng rekomendasyon ang mga eksperto hinggil sa paggamit ng Sinovac sa mga bata.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na patuloy pa ngayong sinusuri ng mga eksperto ang mga dokumento ng Sinovac.

Ani ni Duque, batid ng mga eksperto na kailangan nilang mag-ingat sa pagbibigay ng rekomendasyon upang masiguro ang kaligtasan, kalidad at pagiging epektibo ng Sinovac sa mga bata.


Naniniwala rin ang kalihim na sa pamamagitan ng paggamit ng Sinovac ay makadaragdag ito sa pagpipilian ng mga magulang para ibakuna sa kanilang mga anak.

Hindi rin aniya maselan ang Sinovac dahil hindi na nito kailangan ng ultralow freezer o storage.

Facebook Comments