Pag-aaral ng DOST para sa pag-gamit ng convalescent blood plasma bilang mode of therapy laban sa COVID-19, ikinalugod ng Palasyo

Ikinalugod ng Malacañang ang anunsiyo ng Department of Science and Technology (DOST) na sinimulan na nila ang pag-aaral para sa pag-gamit ng convalescent blood plasma bilang posibleng mode of therapy laban sa COVID-19.

Ito ay kasunod ng inihayag ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na nagsimula nang gamitin ang convalescent plasma bilang paraan ng therapy sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na nasa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).

Ang naturang paraan ay kinukuha mula sa dugo ng pasyenteng nakarekober na mula sa virus kung kaya’t posibleng mayroon umano itong taglay na antibodies laban sa COVID-19.


Sa ngayon, umaasa anila ang Palasyo na magiging maganda ang resulta nito na posibleng maging ambag din ng bansa sa global effort sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments