Lumabas sa pag-aaral ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO INNOTECH) na ang nagtutulak sa mga guro ng bansa upang ipagpatuloy ang kanilang pagtuturo ay dahil sa economic considerations.
Dahil dito, mas marami ang mga guro ang nagnanais na ma-promote o tumaas ang rango nila bilang guro.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, ang nasabing resulta ay pinagtitibay lamang ang mga hakbang ng kagawaran upang lumago at mapabuti pa ang karera ng bawat guro sa bansa.
Isa na nga rito aniya ang pagkabuo ng “policy on career progression” para sa mga guro ng bansa na nais mag-apply para sa promotion.
Nakasaad aniya rito na ang mga bagong teaching positions tulad ng Teacher III, IV, V, VI, VII, at Master Teacher V, kung saan merit-based na alinsunods sa Philippine Professional Standards for Teachers (PPST) ang basehan upang makuha ang naturang mga position.
Sinabi rin ng kalihim na interesado silang makita ang pag-aaral ng nasabing grupo para lalo pang mapaghusay ang ginagawa ng kagawaran para sa ikabubuti ng mga guro sa bansa.