Isinawalang-bahala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang resulta ng pag-aaral ng isang non-profit organization tungkol sa polusyon ng Ilog Pasig.
Batay sa isinagawang pagsasaliksik ng Ocean Cleanup, aabot sa 63,000 na toneladang plastic mula sa Ilog Pasig ang dumadaloy sa mga karagatan kada taon.
Giit ng DENR, mas mababa ito sa resulta na naitala nitong nakaraang taon kung saan mayroong pitong tonelada o katumbas ng 214,044 na sako ng basura ang nakokolekta sa ilog.
Dagdag ng ahensya ay hindi napupunta sa Manila Bay o karagatan ang mga basura ng plastic waste ng Ilog Pasig.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng National Waste Management Commission ang isang resolusyong naglalayong ideklara ang mga plastic, straw at coffee stirrer bilang Non-Environmentally Accepted Product (NEAP) na inilabas nitong Pebrero.