Pag-aaral ng mga kabataan, hindi dapat maapektuhan dahil sa kahirapan —PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang awarding ng scholarship grants sa mga benepisyaryo ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Tumanggap ng educational grants ang mga estudyante mula sa iba’t ibang higher education institutions sa National Capital Region (NCR).

Kasabay nito, opisyal ding inilunsad ang electronic Certification, Authentication, and Verification (e-CAV) system na layong pabilisin at gawing mas maayos ang proseso ng scholarship documentation at verification.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat maantala ang pag-aaral ng mga kabataan dahil lamang sa kahirapan.

Giit ng Pangulo, ang edukasyon aniya ang magiging pinakamahalagang pamana ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments