Pag-aaral ng UP-National Institute of Health kaugnay sa pagkawala ng pandinig ng isang tao, suportado ng MMDA

Sinuportahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang gagawing pag-aaral ng UP-National Institute of Health para tukuyin ang kaugnayan ng chronic traffic exposure sa pagkawala ng pandinig kung saan magiging target participants ang field personnel nito.

Ayon kay MMDA Officer-in-Charge Director Baltazar Melgar, nagtatrabaho ang traffic enforcers anuman ang kondisyon ng panahon at malapit sa health hazards gaya ng traffic noise exposure at polusyon sa hangin.

Pangungunahan ni Dr. Kim Ong ang pag-aaral katuwang ang MMDA Medical Clinic na pinamumunuan ni Dr. Annabelle Ombina.


Sasailalim sa screening process ang mga piling field personnel na nakatalaga sa EDSA partikular sa hearing test at in-depth interview na itataksa sa ikalawang linggo ng Agosto.

Paliwanag pa ni Melgar na base sa criteria ng UP-National Institute of Health, ang pipiliing traffic enforcers ay may hindi bababa sa limang taong field exposure experience anuman ang employment status.

Sa kasalukuyan, halos 600 traffic enforcers ang nakapuwesto sa EDSA para magmando ng trapiko.

Facebook Comments